19 small town lottery pwede nang magbukas muli

By Rhommel Balasbas August 30, 2019 - 04:30 AM

Labingsiyam na small town lottery (STL) ang pwede nang magbalik-operasyon matapos makatupad sa mga kondisyong itinakda ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang operators ng 19 na STL ay pwede nang magbukas muli kapag napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong implementing rules and regulations (IRR).

Malalagdaan ng pangulo ang bagong IRR pagdating sa bansa mula sa state visit nito sa China.

Ayon pa kay Garma, nais ding makaharap ni Pangulong Duterte ang STL operators.

Magugunitang una nang inanunsyo ng PCSO official ang pagtanggal ni Duterte sa suspensyon ng STL operations basta’t tatalima ang mga ito sa ilang kondisyon.

Kabilang dito ang pagdedeposito ng Authorized Agent Corporations (AACs) ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa guaranteed minimun monthly retail receipt o GMMRR na bukod sa kasalukuyan nilang cash bond.

Ayon kay Garma, nakaapekto sa kita ng PCSO ang pagpapasa sa STL operations pero dahil sa bagong guidelines, inaasahan namang kikita nang mas malaki ang ahensya.

 

TAGS: 19 operators, Authorized Agent Corporations, Balik Operasyon, cash bond, IRR, pcso, PCSO General Manager Royina Garma, STL, 19 operators, Authorized Agent Corporations, Balik Operasyon, cash bond, IRR, pcso, PCSO General Manager Royina Garma, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.