Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental ala-1:31 Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 149 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim ang pagyanig na 72 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Dahil nasa tubig, hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.