Gilas kumpyansa na may tsansa ang Pilipinas sa FIBA World Cup

By Len Montaño August 30, 2019 - 04:10 AM

Tristan Tamayo, INQUIRER.net

Kumpyansa ang Gilas Pilipinas na may tsansa sila sa FIBA World Cup matapos makita ang mga players ng Italy at Angola.

Kasama ng Pilipinas ang dalawang bansa at ang Serbia sa Group D.

Bagamat aminado na mas matatangkad ang players ng mga kalaban, sinabi ng mga national players na may tsansa pa rin sila.

Ayon kay Gilas guard CJ Perez, kapag naging maganda ang kanilang laro ay pwede nilang talunin ang mga kalaban.

Sinabi naman ni Raymond Almazan na naghanda naman ang koponan kaya hindi sila nawawalan ng pag-asa.

Nasa China na ngayon ang Gilas para sa pagbubukas ang kampanya sa FIBA World Cup sa Sabado.

Ayon kay coach Yeng Guiao, ang laban sa Italy ang pinakamahalaga kaya ito ang kanilang pinaghandaan.

 

TAGS: Angola, China, CJ Perez, coach Yeng Guiao, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, italy, may tsansa, puso, Raymond Almazan, Serbia, Angola, China, CJ Perez, coach Yeng Guiao, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, italy, may tsansa, puso, Raymond Almazan, Serbia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.