Nangyari ang pamamaril habang nagdiriwang ang pamilya ng biktimang si Marc Angelo “Macmac” Diego sa pagsalubong sa bagong taon kasabay ng kaarawan ng kaniyang ama na si Mark Anthony Diego.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang 7 taong gulang na si Macmac sa kaniyang ulo at namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati kagabi.
Nagalit umano sa ingay ng pamilya Diego si ang barangay tanod na si Raymundo Liza dahilan para ito ay magwala at mamaril.
Namatay na rin sa ospital kaninang bandang alas 5:00 ng umaga ang isa pang biktimang si John Edward Pascual na kaibigan ng ama ni Macmac matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib at tiyan.
Isa pang kaibigan ng pamilya Diego na nakilalang si Israel Lava ay nasugatan din sa insidente.
Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang Makati at Taguig City police kay Liza na agad na tumakas matapos ang pamamaril.