Pulis patay, 77 iba pa naospital dahil sa dengue

By Rhommel Balasbas August 30, 2019 - 03:52 AM

Patay ang isang police officer habang 77 iba pa ang dinala sa mga ospital matapos matamaan ng dengue ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service.

Ayon sa text message sa INQUIRER.net ni PNP Health Service director Brig. Gen. John Luglug, arawng Huwebes, ang nasawing pulis ay mula sa Western Visayas.

Hindi na naglabas pa ng impormasyon ukol sa nasawing pulis.

Samantala, 24 na pulis pa ang dinala sa PNP General Hospital sa Camp Crame mula July 1 hanggang August 29 dahil din sa dengue.

Nailabas naman na ang nasabing mga pulis.

Bukod sa 24 na dinala sa PNP General Hospital, 53 pulis pa ang nagka-dengue at dinala sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na regular ang pagsasagawa ng fumigation sa mga kampo ng pulisya sa bansa upang maprotektahan ang mga pulis mula sa mosquito-borne disease.

Umaasa si Albayalde na hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga natamaan ng sakit.

Bukod sa fumigation, nagsasagawa rin ng larviciding ang PNP na target naman ang posibleng namuong breeding sites ng mga lamok sa loob ng mga kampo.

 

TAGS: 77 naospital, breeding sites, Camp Crame, Dengue, lamok, larviciding, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, PNP General Hospital, PNP Health Service, Pulis patay, 77 naospital, breeding sites, Camp Crame, Dengue, lamok, larviciding, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, PNP General Hospital, PNP Health Service, Pulis patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.