Halos 2,000 convicts ng ‘heinous crimes’ nakalaya na dahil sa good conduct
Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na napalaya na ang halos 2,000 na inmates na convicted sa mga karumal-dumal na krimen.
Ang paglaya ng mga convict ay base sa batas ukol sa good conduct habang nasa kulungan.
Batay sa datos ng BuCor mula 2014 hanggang 2019, nasa 1,914 na convicts sa kasong rape at murder ang nakalaya na.
Ang mga inmates ay pinalaya alinsunod sa Republic Act No. 10592 na nagdagdag ng good conduct time allowance (GCTA) o ang araw na maaaring ibawas sa prison term ng preso na nagpakita ng magandang ugali.
Sa naturang bilang ng convicts ng heinous crimes, 797 ang nahatulan sa kasong pagpatay, 758 sa rape, 274 sa pagnanakaw, 48 sa kasong may kinalaman sa droga, 29 sa parricide, lima sa kidnapping with illegal detention at tatlo sa arson.
Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) kung ano ang gagawin sa napalaya ng mga convicts ng heinous crimes.
Ito ay kasunod ng pahayag ng Malakanyang na hindi kasama sa batas o hindi eligible sa GCTA ang mga inmates na convicted ng karumal-dumal na krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.