POPCOM: Higit 500 na teenagers nanganganak kada araw
Bagamat bumaba, nababahala pa rin ang Commission on Population (POPCOM) sa bilang ng mga teenagers na maagang nanganganak.
Ayon sa POPCOM, nasa 530 na babae na may edad 10 hanggang 19 anyos ang nanganganak kada araw base sa datos hanggang taong 2017.
Taong 2014 ang peak ng “teen pregnancies” kung saan naitala na 576 ang nanganak araw araw pero bumaba na ang bilang sa sumunod na mga taon.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio, ang premarital sex ng mga kabataan ang isa sa mga dahilan ng pagdami ng teenage mothers.
Binanggit din ng ahensya na posibleng dahilan ang pag-inom ng alak, paggamit ng droga at paninigarilyo ng mga teenagers.
Nakita ring dahilan ng POPCOM ang paggamit ng internet at kakulangan ng kaalaman ukol sa teenage pregnancy.
Dahil karamihan sa mga maagang naging magulang ay galing sa mahirap na pamilya, malaki ang peligro na magkasakit ang sanggol kahit malusog pa ang teenage mother.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.