Kapitan ng bangka sa Recto Bank incident dismayado kahit nag-sorry na ang may-ari ng Chinese vessel
Dismayado ang kapitan ng bangka ng mga Pilipino na sangkot sa Recto Bank incident sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng may-ari ng Chinese vessel.
Ayon kay Junel Insigne, dapat managot ang kapitan ng barko na anyay bumangga sa kanilang bangka.
Masama ang loob ni Insigne sa kapitan ng Chinese vessel dahil iniwan silang palutang-lutang sa dagat.
Umaasa si Insigne na bibilisan ng gobyerno ng Pilipinas ang paghingi ng danyos mula sa Chinese vessel para sa kanilang mga mangingisda.
Samantala, tanggap naman ni Insigne ang paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese vessel.
Pero mas mabuti anya at magiging mas tapat ang paghingi ng tawad kung personal na ibinigay ang apology letter.
Ang liham kung saan nakasaad ang paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese vessel ay ipinadaan sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.