Paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese vessel sa Recto Bank incident hindi kusa
Hindi naging boluntaryo o kusang loob ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng Chinese vessel na nakabangga sa bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, nag-demand ang gobyerno ng Pilipinas na humingi ng sorry ang may-ari ng Chinese vessel.
Dagdag ni Ambassador Sta. Romana, inabot ng dalawang buwan ang negosasyon bago nag-sorry ang may-ari ng barkong nakabanggaan ng Gem-Vir 1 ng mga Pinoy.
Iniwasan umano ng Pilipinas na mangyari na matapos mag-sorry ang may-ari ay si Ambassador Sta. Romana ang magsabi sa mga biktimang Pilipino na humingi ng apology ang may-ari ng Chinese vessel.
Ayon kay Sta. Romana, humingi ng paumanhin ang may-ari ng Chinese vessels sa pamamagitan ng liham na pinirmahan ni Chen Shiqin, presidente ng Guangdong Fishery Mutual Insurance Association.
Ipinadala naman ang sulat sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nakasaad sa bahagi ng English translation ng sulat na bagamat hindi sinasadyang nagkamali ang mga mangingisdang Chinese, dapat na akuin pa rin ng may-ari ng barko ang responsibilidad sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.