Pagkakalaya ng 4 Chinese drug lords, kinumpimra ng BI

By Angellic Jordan August 29, 2019 - 09:01 PM

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakalaya ng apat na convicted Chinese drug lords sa New Bilibid Prisons.

Unang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pagkakalaya ng apat dahil sa good conduct time allowance (GCTA) noong buwan ng Hunyo.

Ayon kay BI Deputy Spokesman Melvin Mabulac, inilipat na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum sa BI Warden’s Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Unang nakulong ang apat sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ani Mabulac, agad maiimplenta ang napirmahang deportation order oras na mabuo ang mga dokumento.

Ginagawa lamang aniya ng BI ang kanilang ‘ministerial function’ para i-deport ang mga dayuhan na nakakumpleto na ng kanilang sentensya.

TAGS: Chan Chit Yue, Ching Che, drug lord, Kin San Ho, new bilibid prison, Wu Hing, Chan Chit Yue, Ching Che, drug lord, Kin San Ho, new bilibid prison, Wu Hing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.