Nasawi ang tatlong kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa isang sagupaan sa mga kasapi naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Matalam, Cotabato noong kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa hepe ng Matalam police na si Senior Insp. Sunny Leoncito, nagbarilan ang dalawang grupo nang aksidenteng magkasalubong ang landas sa Barangay Kidama.
Kinilala ang mga biktima na sina Dadrodin Ingkig ,27 anyos; Taya Akmad, 60 anyos; at isang Marcial, 35 anyos.
Kinumpirma rin Leoncito na aabot sa anim na bahay ang tinupok ng apoy habang 152 na pamilya ang inilikas habang nangyayari ang pagpapalitan ng putok ng baril ng dalawang grupo.
Maging ang limampung pamilya na naninirahan sa Barangay Marbel na malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.