Totoong problema sa edukasyon sa bansa, dapat tutukan – grupo ng mga guro
Hindi problema ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral sa bansa, ayon sa grupo ng mga guro sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines party list chairperson Joselyn Martinez, ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral ay may malaking epekto sa kasanayan at kaalaman ng isang bata.
Giit nito, dapat tutukan ng pamahalaan ang totoong problema sa edukasyon ng bansa na may malaking epekto sa pag-aaral ng mga bata, gaya ng:
1. Kakulangan sa mga input katulad ng mga aklat, resource material, upuan, silid-aralan at iba pa,
2. Dagdagan ang budget ng edukasyon,
3. Magkaroon ng curriculum na tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan at ng bansa.
5. Dagdagan ang suporta sa mga guro sa pamamagitan ng mga libreng seminar, gamit sa pagtuturo, at
6. Ipagkaloob ang P16,000, P30,000, at P31,000 na nakabubuhay na sahod para sa mga guro at kawani sa edukasyon.
Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang ‘no homework policy.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.