Act Philippine party list, hindi sang-ayon sa ‘no homework policy’

By Noel Talacay August 29, 2019 - 06:39 PM

Hindi pa man nagiging isang batas ang ‘No Homework policy,’ kinontra na ito ng ACT Philippines party list na isang grupo ng mga guro sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines chairperson Joselyn Martinez, walang magulang na hindi hinangad na magkaroon ng quality bonding time sa kanilang mga anak.

Ayon kay Martinez, may assignment man o wala, mas maraming magulang ang hindi na rin kinakayang maturuan ang kanilang mga anak dahil mas maraming magulang ay nasa trabaho, late na kung umuwi galing sa trabaho at mas marami ay pagod na sila.

Iginiit din nito na ang tunay na problema ay ang siksik at dami ng competencies o skills na dapat matutunan ng isang bata sa loob ng isang araw.

Dagdag pa nito na kulang ang oras at hindi kayang tapusin sa isang oras o 50 minuto na itinakda ng Department of Education (DepEd).

Paliwanag ni Martinez na ang pagbibigay ng mga takdang aralin ay reinforcement ng mga natutunan sa paaralan ng mga bata, kaya lamang hindi rin ito naisasagawa ng maayos dahil sa kulang ang mga aklat na ibinibigay ng DepEd.

TAGS: Act Philippine party list, no homework policy, Act Philippine party list, no homework policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.