200 tauhan ng Philippine Navy makikiisa sa ASEAN-US Maritime Drill

Nasa dalawang daang tauhan ng Philippine Navy ang makikiisa sa isasagawang ASEAN-United States Maritime Drill sa silangang bahagi ng Thailand.

Sa send-off ceremony sa Manila South Harbor, araw ng Huwebes (August 29), lulan ang 200 tauhan ng Philippine Navy ng BRP Ramon Alcaraz (PS16).

Sa isang panayam, sinabi ni Chief of Naval Staff Rear Admiral Loumer Bernabe na layon nitong mapagtibay ang ugnayan ng ASEAN countries para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Gagawin ang maritime drill mula September 2 hanggang 6, 2019.

Read more...