Recto Bank incident hindi pa sarado kahit na nag-sorry na ang China

By Chona Yu August 29, 2019 - 04:08 PM

Hindi pa itinuturing ng pamahalaan ng Pilipinas na cased closed ang Recto Bank incident.

Ito ay kahit na nag-sorry na ang pamahalaan ng China at ang may-ari ng Chinese vessel sa 22 Filipinong mangingisda na binangga at iniwan sa gitna ng karagatan ng Recto Bank noong June 9.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, hindi pa kasi nailalatag ang kompensasyon sa mga Filipino na mangingisda.

Bukod dito, hindi pa napapanagot sa batas ang mga Chinese na bumangga sa mga Filipinong mangingisda.

Ayon kay Sta. Romana, kinakailangan pa ng malalimang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa nangyari sa Recto Bank.

TAGS: Chinese vessel, Recto Bank, Recto Bank incident, Chinese vessel, Recto Bank, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.