Planong pagwasak sa buong Most Affected Area sa Marawi kinukwestyon sa Kamara
Kinuwestyon ni Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan ang plano ng Task Force Bangon Marawi na wasakin ang buong most affected area sa Marawi City.
Ayon kay Sangcopan, bakit hindi pumili na lamang ang pamahalaan ng mga lugar na kanilang kakailanganin upang lagyan ng mga istraktura.
Sa kabuuan anyang mga apektadong residente 55 porsyento lamang ang pabor sa pagwasak sa kanilang mga bahay habang tutol ang 45 porsyento.
Sinabi nito na kung sinasabi ni Sec. Eduardo Del Rosario na ang pag-flattened sa buong MAA ay dahil sa mga unexploded ordnance hindi naman aniya lahat ng lugar ay meron nito at alam ng militar kung saan ang mga ito makikita.
Hindi rin kumbinsido ang mambabatas sa mabagal na paggastos ng pondo para sa Marawi rehab.
Noong 2018 mayroong P10B para sa pagsasa ayos sa Marawi habang P3B ngayong taon.
Kailangan anya na maramdaman na ng mga apektado residente ang pag ahon mula sa giyera na dalawang taon na ang nakararaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.