NUJP ikinabahala ang patuloy na pananakot at red tagging sa ilang mamamahayag sa Mindanao
Ikinaalarma ng National Union of Journalists (NUJP) ang patuloy na mga pananakot at red tagging o pag-uugnay sa rebeldeng grupo ng ilang mamahayag at iba pang mga personalidad sa Cagayan de Oro at Northern Mindanao.
Ayon sa NUJP, ang pinakabagong kaso kaugnay sa usapin ay ang kay Leonardo Vicente “Cong” Corrales, associate editor ng Mindanao Gold Star Daily.
Ayon sa pamunuan ng NUJP na kamakailan lang nakatanggap na naman si Corrales ng pinkabagong death threats.
Bago nito, iniugnay din sa mga rebeldeng grupo si Corrales.
Base sa tala ng NUJP, kahilintulad din kay Corrles ang dinaranas ni Froilan Gallardo ng Mindanews.
Maliban kina Corrales at Gallardo, isang pari ng Iglesia Filipina Independiente na si Fr. Rolando Abejo, ilang empleyado ng city hall na mga nabagit na lugar at isang human rights lawyer na si Atty. Beverly Musni at ang anak na babae nito ang iniuugnay sa mga rebeldeng grupo.
Dagdag pa ng NUJP, nadadamay na rin ang pamilya at ilang kaanak ng mga biktima
Sa kabila ng pagiral ng martial law sa Mindanao, nanawagan parin ang NUJP sa pamahalaan na paigtingin pa ang security force sa Cagayan de Oro at Northern Mindanao para matiyak ang seguridad ng mga biktima at kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.