2 patay, 7 sugatan sa pamamaril sa Tel Aviv, Israel

By Mariel Cruz January 02, 2016 - 07:56 AM

tel avivPatay ang dalawa katao habang pito ang sugatan matapos magpakawala ng bala ng mula sa isang automatic firearm ang hindi pa nakikilalang gunman sa Tel Aviv, Israel.

Ayon sa tagapagsalita ng Tel Aviv Police na si Micky Rosenfeld, mahigit 15 rounds ng bala ng naturang armas ang pinakawalan ng gunman sa labas ng isang bar sa Dizengoff Street.

Sa inilabas na surveillance video ng mga pulis, makikita ang gunman na nakatayo sa harap ng Simta bar na may dalang bag bago mangyari ang pamamaril.

Makalipas ang ilang minuto, inilabas na ng gunman ang isang baril mula sa kanyang hawak na bag na ibinaba nito sa isang shopping cart.

Kasunod nito, itinutok na ng gunman ang kanyang armas sa magkakaibang direksyon at walang habas na pinagbabaril ang mga taong dumadaan sa kanyang harapan.

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente at inaalam kung ito ay isang terrorist attack.

TAGS: 2 killed 7 hurt in a shooting incident at Tel Aviv, 2 killed 7 hurt in a shooting incident at Tel Aviv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub