Sa pulong balitaan sa Beijing, China, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana na idinaan sa diplomatic channels ang paghingi ng paumanhin ng pamahalaan ng China.
Ayon kay Sta. Romana, ang foreign ministry ng China ang nag-sorry.
“ Actually the Chinese government through the Foreign Ministry has expressed their sorry — they’re very sorry about the incident through diplomatic channels already,” ayon kay Sta. Romana.
Base aniya sa resulta ng imbestigayson ng China, accidental collision at hindi ramming incident ang nangyari sa Recto Bank.
Hindi rin aniya bahagi ng Maritime Militia ng China ang bumanggang Chinese vessel.
Bagamat breakthrough ang pagso-sorry ng China, sinabi ni Sta. Romana na hindi maitatanggi na nagkaroon ng negatibong epektio sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang Recto Bank incident.
Higit sa lahat, sinabi ni Sta. Romana na nakasama rin sa imahe ng China sa international community ang nangyaring insidente.
Nakukulangan si Sta. Romana sa sorry ng may-ari ng Chinese vessel dahil dapat sana ay direktang humingi ng paumanhin sa mga mangingisda at hindi na idinaan pa sana sa Department of Foreign Affairs (DFA).