Chinese government nag-sorry na rin sa Recto Bank incident

By Chona Yu August 29, 2019 - 03:03 PM

Bukod sa may-ari ng Chinese vessel, humingi na rin ng hiwalay na sorry ang pamahalaan ng China sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa nangyaring insidente sa Recto Bank noong June 9 kung saan binangga ang bangka at iniwan sa gitna ng karagatan ang 22 Filipinong mangingisda.

Sa pulong balitaan sa Beijing, China, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana na idinaan sa diplomatic channels ang paghingi ng paumanhin ng pamahalaan ng China.

Ayon kay Sta. Romana, ang foreign ministry ng China ang nag-sorry.

“ Actually the Chinese government through the Foreign Ministry has expressed their sorry — they’re very sorry about the incident through diplomatic channels already,” ayon kay Sta. Romana.

Base aniya sa resulta ng imbestigayson ng China, accidental collision at hindi ramming incident ang nangyari sa Recto Bank.

Hindi rin aniya bahagi ng Maritime Militia ng China ang bumanggang Chinese vessel.

Bagamat breakthrough ang pagso-sorry ng China, sinabi ni Sta. Romana na hindi maitatanggi na nagkaroon ng negatibong epektio sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang Recto Bank incident.

Higit sa lahat, sinabi ni Sta. Romana na nakasama rin sa imahe ng China sa international community ang nangyaring insidente.

Nakukulangan si Sta. Romana sa sorry ng may-ari ng Chinese vessel dahil dapat sana ay direktang humingi ng paumanhin sa mga mangingisda at hindi na idinaan pa sana sa Department of Foreign Affairs (DFA).

TAGS: Chinese vessel, DFA, Recto Bank incident, Chinese vessel, DFA, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.