Mga pulis sa Maynila nagsasanay bilang bike patrol unit
Sinimulan na ng Manila Police District (MPD) ang pagsasanay sa 80 tauhan nila para maging bahagi ng Bike Patrol Unit.
Ayon kay Police Col. Rex Arvin Malimban, MPD-District Mobile Force Battalion commander, malaki ang maitutulong ng bike patrollers sa pagtugis sa mga suspek lalo na sa mga matatatong lugar at mga eskenita.
Inisyatiba ni MPD director Vicente Danao Jr. ang programa dahil dahil ginawa din ito sa Davao.
Maliban sa mas madaling makapasok sa masisikip na lugar, nakikita rin ni Malimban na pagkakataon ang paggamit ng bike para maging maayos ang ugnayan ng pulisya sa mga residente.
100 bisikleta para sa 100 tauhan ng MPD ang planong gamitin para sa Bike Patrol pero sa umpisa, 80 miyembro muna ang sumailalim sa five-day training.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.