Proklamasyon para sa ilang local holidays nilagdaan ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2019 - 01:03 PM

Ilang local holidays ideneklara ng Malakanyang walang pasok sa Isulan, Sultan Kudarat sa August 30.

Base sa Proclamation Number 795 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, special non-working day sa Isulan para sa selebrasyon ng 62nd founding anniversary at 8th Hamungaya Festival.

Wala ring pasok sa Mandaue City sa Cebu sa August 30.

Base sa Proclamation Number 796, special non-working day sa Mandaue para sa selebasyon ng 50th charter anniversary.

Wala ring pasok sa Digos, Davao Del Sur sa September 9, 2019.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation Number 798 na nagdedeklarang special non-working day sa Digos para sa selebrasyon ng 19th araw ng Digos sa September 8.

Binibigyan ng pagkakataon ng palasyo ng malakanyang ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na magkaroon ng pagkakataon na makiisa sa kani kanilang selebrasyon.

TAGS: local holidays, Rodrigo Duterte, special non-working holiday, local holidays, Rodrigo Duterte, special non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.