Pinoy opera singer hinangaan ng mga hurado sa singing contest sa Denmark
Hinangaan ng mga hurado at manonood ang 29-anyos na Pinoy sa isang singing contest sa Denmark.
Inawit ni Al Dresden Ramos ng Mariveles, Bataan ang opera version ng “Desde el día qué te fuiste” (Without You).
Nakadiretso sa finals si Ramos makaraang 93 mula sa 100 hurado ng “All Together Now Denmark” singing challenge ang tumayo at humanga sa kaniyang performance.
Agad ding naging tanyag sa Denmark si Ramos na ngayon ay tinagurian nang “little man with huge voice”.
Ibinahagi naman ni Ramos ang bahagi ng kaniyang performance sa kaniyang Facebook account.
Si Ramos ay isang opera tenor by profession.
Nagtapos siya ng Bachelor in Secondary Education in Music sa Philippine Normal University.
April 2018 nang siya ay magtungo sa Demark at doon niya itinuloy ang kaniyang opera career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.