Patung-patong na reklamong paglabag sa Tax Code of the Philippines ang isinampa laban kay Ginang Reyna Apolinario, misis ni Pastor Joel na founder ng KAPA Community na isinasangkot sa malawakang investment scam.
Si Reyna ang nagsisilbing Corporate Secretary ng KAPA na may business address sa Dadiangas West, General Santos City.
Ayon sa BIR, nabigo si Reyna Apolinario na maghain ng Income Tax Returns o ITR para sa taxable year 2012 hanggang 2015 pero haghain ito ng ITR noong 2016 at nagdeklara ng kita na aabot lamang sa P206, 578.
Para sa taxable year 2017 nagdeklara si Reyna ng kita na aabot lamang sa P P171, 100 at at noong 2018 kumita naman ito ng P12.06-Million.
Sa record ng BIR, noong 2018, ang idineklarang kapital ni Reyna Apolinario ay lumobo sa P306.90-Million .
Lumalabas din sa record ng Land Transportation Office o LTO na may siyam na sasakyang nakarehistro sa pangalan ni Reyna noong 2017 at 2018 na hindi nito idineklara sa kanyang financial statements sa BIR.
Mayroon ding 13 negosyo ang KAPA na nakapangalan kay Reyna Apolinario kabilang dito ang ilang retail at construction company, gasolinahan, hotel, convenience store at maraming iba pa.
Sa komputasyon ng BIR umaabot sa P168.2-Million ang kabuuang buwis na hindi nabayaran ni Reyna Apolinario kasama na dito ang surcharges at interest para sa taong 2017 at 2018.