DOH at lokal na pamahalaan sa Calabarzon kumilos na rin para sa rehabilitasyon sa Manila Bay

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2019 - 11:47 AM

Nagsanib na ang Department of Health (DOH) at ang mga lokal na pamahalaan sa Calabarzon Region upang mapangalagaan ang Manila Bay.

Nagsagawa ng tatlong araw na workshop na may temang “Orientation of Local Government Units and Hospitals on the New Key Performance Indications of DOH in the Manila Bay Rehabilitation” para sa pamahalaan at pampublikong ospital kasama ang mga opisyal ng Cavite, Laguna at Rizal na layuning makapagtayo ng baseline data at magkaroon ng consolidated mechanism para sa rehabilitasyon at pangangalaga sa Manila Bay.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, kasama ang tatlong nabanggit na lalawigan dahil sa pagiging malapit sa Manila Bay at banta ng polusyon sa lawa lalo na at ang mga duming itinatapon sa Laguna De Bay ay direktang napupunta sa Manila Bay aa pamamagitan ng Pasig-Marikina River.

Imo-monitor aniya ang mga pribado at pampublikong ospital at LGUs kung nasusunod ang guidelines ng DENR sa pagtatapon ng mga basura at upang makatiyak na ang lahat ng bahay ay may ligtas na sanitation service sa pagtatapon ng solid and water wastes.

Sa sandali aniyang maisaayos na ang sistema, maiiwasan ang panganib sa kalusugan at banta sa kalikasan kasama na rito ang accidental release ng mga hospital wastes na may kasamang chemicals o biological fluids.

Kasama rin sa imomonitor ang mga pribadong establisyimento sa mga nabanggit na lalawigan.

Matatandaang kasama sa desisyon ng Korte Suprema noong 2008, inaatasan ang 13 ahensiya ng pamahalaan na magtulung-tulong sa paglilinis ng Manila Bay.

TAGS: calabarzon, cleanup drive, DENR, doh, Manila Bay, calabarzon, cleanup drive, DENR, doh, Manila Bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.