Ito ay dahil sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang batas na nagdedeklara sa iba’t ibang lugar bilang tourist destination.
Kabilang sa mga pinirmahan ni Panguong Duterte ang Republic Act 11406 na nagdedeklara sa Mount Bulaylay sa Cuyapo Province sa Nueva Ecija bilang tourist destination.
Pirmado na rin ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11407 na nagdedeklara sa Candon City Ecotourism Zone na matatagpuan sa mga Barangay ng Palacapac, San Andres, Cubcubbuot at Amguid sa Candon, Ilocos Sur bilang tourist destination.
Pasok na rin sa bilang tourist destination ang Santiago Cove sa Santiago, Ilocos Sur matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11408.
Tourist destination na rin ngayon ang Pinsal Falls sa Santa Maria, Ilocos Sur matapos lagdaan ang Republic Act 11409.
Nakasaad sa batas na dapat na isama ng kalihim ng Department of Tourism (DOT) ang pondong hihingin nito sa General Appropriations Act.