Ghostbusters muling ipalalabas sa sinehan para sa 35th anniversary ng pelikula

By Jimmy Tamayo August 29, 2019 - 11:21 AM

Muling ipalalabas sa mga sinehan ang blockbuster movie na “Ghostbusters” kasabay ng 35th anniversary ng pelikula.

Inanunsyo ng Sony Pictures at Fathom Events na maaari nang mabili ang tickets para sa special screening ng 1984 movie na pinangungunahan nina Bill Murray, Harold Ramis, Dan Aykroyd, Hudson, Rick Moranis, at Sigourney Weaver.

Itinakda ang special screening sa October 6 hanggang 10 sa 600 na mga sinehan sa U.S.

Magkakaroon rin ng special participation ang cast ng pelikula bago ang screening kung saan mapapanood ilan sa mga bagong footages ng ilan sa mga eksena sa nasabing pelikula.

Kasabay nito, inihayag ng Sony Pictures ang Ghostbusters sequel na nakatakdang ilabas sa July 10, 2020.

Ang bagong Ghostbusters movie ay pangungunahan nina Mckenna Grace, Finn Wolfhard, Paul Rudd, Carrie Coon and Ernie Hudson sa direksyon ni Jason Reitman, anak ng original director ng pelikula na si Ivan Reitman.

TAGS: 35thanniversary, Ghostbusters, special screening, 35thanniversary, Ghostbusters, special screening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.