Sen. Leila de Lima nagpasalamat sa mga bumati sa kaniyang kaarawan

Pinasalamatan ni Senator Leila De Lima ang mga nagpaabot ng pagbati sa kaniyang kaarawan.

Noong November 27, ipinagdiwang ng senadora ang kaniyang ika-60 kaarawan.

Sa official Twitter account ng senadora ay nagpasalamat siya sa mga bumati, nagpahayag ng pagmamahal at suporta.

Pinapurihan din ng senadora ang mga kagaya niyang “60 and fighting” at maging ang mga edad 60 mahigit na pero patuloy pa rin aniyang lumalaban.

Read more...