Suspek sa brutal na pagpatay sa 30-anyos na babae sa Zambales nasawi sa shootout sa Pampanga

Nasawi sa shooutout sa Pampanga ang isang lalaki na suspek sa brutal na pagpatay sa isang 30 anyos na babae sa Zambales.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakipagpalitan umano ng putok sa mga pulis si Samuel Feralta habang siya ay inaaresto ng mga otoridad sa Barangay Camachilles sa Mabalacat.

Si Feralta ang itinuturo ng testigo bilang nasa likod ng pagpaslang kay Carmela Catindig, 30 anyos na isang factory worker.

Si Catindig ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa kaniyang bahay noong August 20.

Hubad si Catindig at mayroong 38 saksak sa kaniyang katawan.

Ayon sa pulisya, nanlaban si Feralta nang siya ay aarestuhin na kaya nauwi sa barilan ang insidente.

Si Feralta ay may rekord din ng pagkakasangkot sa robbery incidents sa ilang establisyimento sa Angeles City, Olongapo City, at Zambales.

Read more...