WATCH: 10 dayuhang “entertainers” sa bar sa Malate arestado dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang working visa
Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMART) ang sampung dayuhang babae na nagtatrabaho ng ilegal bilang entertainer sa Malate, Maynila.
Ikinasa ang operasyon gabi ng Miyerkules (Aug. 28) sa Sha-Sha Club sa San Andres kanto ng Adriatico Streets.
Ang mga dayuhang nadakip ay pawang mga Russian at isang Kazakhstan National.
Ang mga nadakip ay ang mga sumusunod:
– Ekaterina Golubeva, 27 anyos, Russian
– Polina Tagunova, 26 anyos Russian
– Anna Mozharevskaya, 24 anyos, Russian
– Anatasia Bakumenko, 23 anyos, Russian
– Aleksandra Ivanova, 29 anyos, Russian
– Zukhra Akhmedzianova, 21 anyos, Russian
– Alexandra Zivittinsh, 21 anyos, Russian
– Diana Razogreeva, 21 anyos, Russian
– Anna Nikitina, 27 anyos, Russian
– Ussipbek Kymbat, 24 anyos, Kazakhstan
Ayon sa mga otoridad, walang working permit
ang naturang mga babaeng dayuhan.
Paglabag sa Art. H Sec. 98 ng Professional Occupation Tax) at Art. E, Sec. 138 ng Health Certificate in connection of Sec. 199 ng 2013 Omnibus Revenue Code ng City of Manila ang kinakaharap ng mga dayuhan.
Narito ang buong ulat ni Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.