450 na sasakyan na-impound sa serye ng operasyon ng i-ACT sa loob ng 6 na buwan

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2019 - 09:29 AM

Mula noong Enero hanggang noong Hulyo umabot na sa 450 mga sasakyan ang na-impound sa serye ng operasyon ng InterAgency Council for Traffic o i-ACT laban sa mga colorum na sasakyan.

Kabilang sa daan-daang na-impound na sasakyan ay mga bus, vans, taxis, private sedans, Public Utility Jeepneys (PUJs) at motorsiklo.

Sa datos ng Department of Transportation (DOTr), maliban sa mga napa-impound na sasakyan ay umabot na rin sa 10,370 na tickets ang nai-isyu ng i-ACT dahil sa iba’t-ibang mga paglabag.

Ang datos ay mula January 1, 2019 hanggang July 31, 2019.

Karaniwang paglabag ay ang defective parts, disregarding traffic signs, obstruction, hindi paggamit ng seatbelts, driving without license, walang temporary plate, paggamit ng unauthorized accessories, hindi paggamit ng headlights, improper loading/unloading, walang OR/CR, walang signboard, at iba pa.

TAGS: dotr, i-act, impounded vehicles, dotr, i-act, impounded vehicles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.