Pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance law posibleng mauwi sa korapsyon

By Erwin Aguilon August 29, 2019 - 09:07 AM

FILE PHOTO
Nagbabala si AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na maaring maging prone sa katiwalian ang implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Garbin na dapat striktong nasusunod ang mga probisyon ng batas kung saan ang release ng eligible na bilanggo ay dapat nakabase sa factual determination at arithmetical computation.

Sinabi ng kongresista na tila walang transparency sa implementasyon ng batas dahil hindi malinaw ang guidelines na ginagamit dito, at kung nasusunod ito ng wasto.

Ito aniya ang dahilan kung bakit kailangan magsagawa ng imbestigasyon ang oversight committee ng Kamara para na rin matukoy ang mga amiyenda na magpapahigpit sa safeguards ng implementasyon ng batas.

Nauna nang inihain ni Garbin ang House Resolution No. 260 para maimbestigahan ang GCTA Law upang sa gayon matiyak na hindi makakalabas ng kulungan ang mga ineligible dito.

TAGS: corruption, GCTA, Good Conduct Time Allowance, corruption, GCTA, Good Conduct Time Allowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.