Sen. Ralph Recto inihirit ang paglalaan ng pondo kontra fake news sa bakuna

Inihirit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na humugot sa P7.5 billion sa 2020 national immunization project ng panggasta sa information campaign para maibalik ang tiwala ng mga magulang sa mga bakuna ng gobyerno.

Ayon kay Recto dapat ay kontrahin ng gobyerno ang mga maling paniniwala ukol sa mga bakuna na nabuo dahil sa mga maling impormasyon at tsismis.

Pinansin ng senador na noong nakaraang taon, bumagsak sa 66 porsiyento ang immunization rate sa lahat ng uri ng bakuna sa mga bata.

Bunga nito, aniya, pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamalaking bilang ng kaso ng tigdas sa buong bansa at naging triple ang bilang ng mga namatay.

Ngayon taon, ayon pa kay Recto, bumagsak sa 40 porsiyento ang national immunization rate.

Sa higit P7.5 bilyon budget ng DOH para sa kanilang immunization program sa susunod na taon, milyong-milyong bata at maging mga senior citizens ang babakunahan kontra TB, Hepa B, Dipthria, Tetanus, Polio, Measles, Rubella, Influenza at Pneumonia.

Read more...