WATCH: 3 empleyado sa NAIA huli sa aktong paggamit ng cellphone habang naka-duty

By Jan Escosio August 29, 2019 - 08:57 AM

Hindi naging maganda ang umaga ng tatlong government employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Naaktuhan sila mismo ni Civil Service Commissioner (CSC) Atty. Aileen Lizada na gumagamit ng kani-kanilang cellphone sa Information Desk.

Sinabi ni Lizada na ang dalawang nahuli niya ay taga-Quarantine Section ng Department of Agriculture (DA).

Samantala, ang isa naman na nagbo-browse sa isang online shopping app ay kawani ng Civil Aeronautics Board.

Ayon kay Lizada, may regional visit siya kaya’t nasa NAIA siya at agad niyang napansin ang mga nakayukong empleyado.

Diin nito paano makakapagserbisyo sa mga pasahero ang tatlong kawani kung sila ay nakayuko.

Dagdag pa ng opisyal pang limang beses sa magkakahiwalay na pagkakataon na niyang sinita ang mga nasa Information Desk ng NAIA 2 ngunit tila hindi natututo ang mga ito.

Dalawa aniya sa kanyang mga nasita ay tinanggal na sa puwesto.

Inatasan na ni Lizada na ang kanilang NCR Office na makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng tatlong empleyado para magsagawa mismo ng kanilang imbestigasyon.

Giit ng opisyal ipinagbabawal sa mga kawani ng gobyerno na gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho maliban na lang kung kailangan ito sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

TAGS: NAIA, Radyo Inquirer, terminal 2, NAIA, Radyo Inquirer, terminal 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.