US Embassy sa Maynila sarado sa Lunes, Sept. 2

Sarado sa Lunes, September 2 ang US Embassy sa Maynila.

Sa abiso ng embahada, ito ay dahil gugunitain ang Labor Day sa Amerika sa Sept. 2 na isang holiday.

Sinabi ng US Embassy na wala munang transaksyon sa kanilang tanggapan sa Roxas Boulevard at sa iba pang affiliated offices nila sa Lunes.

Sa Sept. 3 ay magre-resume ang regular na serbisyo ng embahada.

Read more...