Sundalong bihag, pinakawalan ng NPA

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 02:34 AM

CPP-NPAPinalaya na ng komunistang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo na tatlong buwan na nilang bihag.

Kinumpirma ng mga opisyal ang impormasyon ng tagapagsalita ng 4th Infantry Division (ID) ng Army na si Capt. Joe Patrick Martinez na sinalubong na ng mga lokal na opisyal na pinangunahan ni Davao CIty Mayor Rodrigo Duterte si Sgt. Adriano Bingil sa Las Nieves, Agusan del Norte noong Huwebes, December 31.

Ani Martinez, sinamahan nina San Luis Mayor Ronald Corvera na pinuno ng municipal crisis committee at ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun si Duterte sa pagsalubong kay Bingil.

Dinukot si Bingil ng NPA si Bingil noong September 19 haang dumadaan siya sa isang rebel roadblock sa Brgy. Policarpio sa San Luis, Agusan del Sur.

Para naman kay 4th ID commander Brig. Gen. Paul Atal, ang ginawang pagdukot kay Bingil ay isang krimen na dapat panagutan.

Gayunman, ikinalugod nila ang pagpapalaya ng NPA sa kanilang sundalo at umaasa siyang ito’y nangangahulugan ng pagpanig ng mga rebelde sa kapayapaan.

Hinatid ni Duterte si Bingil sa advanced command post sa Bancasi, Butuan City sakay ng isang helicopter.

TAGS: npa frees soldier held captive for 3 months, npa frees soldier held captive for 3 months

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.