Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang proyekto na kinapapalooban ng flood control structure ay ginastusan ng P120.76-million.
Layon nitong maprotektahan ang mga residente kapag umaapaw ang tubig sa Las Piñas River.
Ginawa ang 325.80 square meters long at 5.40-meter high na retaining wall bilang proteksyon.
Dahil dito, inaasahang maiiwasan na ang pagbaha sa mga bahay sa Barangays Pamplona 3 at Pulanglupa 2.
Umabot sa 512 na pamilya na naninirahan sa tabing-ilog ang naapektuhan sa nasabing proyekto at binigyan ng relokasyon sa tulong ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) ng Las Piñas City.
READ NEXT
Kahit nag-sorry na, may-ari ng Chinese Vessel na sangkot sa Recto Bank incident dapat pa ding magbayad – Lorenzana
MOST READ
LATEST STORIES