Kahit nag-sorry na, may-ari ng Chinese Vessel na sangkot sa Recto Bank incident dapat pa ding magbayad – Lorenzana

August 29, 2019 - 08:11 AM

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na dapat pa ding magbayad ang may-ari ng Chinese vessel na sangkot sa aksidente sa Recto Bank noong Hunyo.

Ayon kay Lorenzana, masaya siyang sa wakas ay nag-sorry na ang may-ari ng barko ng China, hindi sapat ang paumanhin lamang.

Kailangan aniyang mabayaran ang nasirang bangka at ang nawalang kita ng mga mangingisdang naapektuhan.

Reaksyob ito ni Lorenzana matapos na magbigay na ng pahayag ang may-ari ng Chinese Vessel at humingi ng paumanhin.

Sinabi ng may-ari na bagaman aksidente ang nangyari ay dapat naging responsable ang Chinese fishing boat sa insidente.

TAGS: Chinese vessel, Delfin Lorenzana, Recto Bank, Recto Bank incident, Chinese vessel, Delfin Lorenzana, Recto Bank, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.