Binatilyo arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Maynila

By Len Montaño August 29, 2019 - 05:02 AM

Naaresto ang isang snatcher ng cellphone sa Manynila matapos itong maabutan ng mga taga barangay sa isang eskenita.

Sakay ng jeep ang biktima at nagte-text ito nang hablutin ng isang 16 anyos na suspek ang cellphone.

Narinig ng mga opisyal ng Barangay 354 ang sigaw ng biktima kaya hinabol nila ang suspek.

Naabutan ang binatilyo sa eskenita sa Anacleto St.

Nabatid na dayo sa lugar ang snatcher.

Todo tanggi ang binatilyo pero nakuha sa kanya ang cellphone ng biktima.

Dahil menor de edad ay nakatakdang iturn-over ang binatilyo sa DSWD.

 

TAGS: arestado, barangay, binatilyo, cellphone, manila, snatcher, arestado, barangay, binatilyo, cellphone, manila, snatcher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.