4 milyong bag ng imported na bigas nakatengga sa mga bodega ng NFA

By Len Montaño August 29, 2019 - 04:06 AM

File photo

Inamin ng pinuno ng National Food Authority na nasa 4 na milyong bag ng imported na bigas ang nananatili sa kanilang mga warehouse.

Sa pagdinig sa Senado ay ginisa nina Senators Cynthia Villar at Imee Marcos si NFA administrator Judy Carol Dansal dahil sa kabiguan ng ahensya na ibenata ng 4 na milyong bag ng imported rice na nakatenga sa mga NFA warehouse.

Ayon kay Dansal, nasa 290,000 tonelada ng imported na bigas o katumbas ng 4 na milyong bag na naglalaman ng 50 kilos bawat isang bag ang hindi pa nabebenta.

Sinabi ni Marcos na bigo ang NFA na bilhin ang mga palay at bigas ng mga magsasaka dahil mayroon pang stocks ng imported rice.

Binanggit naman ni Villar na noong si dating NFA Administrator Jason Aquino ang nakaupo ay nagbenta ang ahensya ng mga sirang bigas sa ilang negosyante.

Sinabi tuloy ni Marcos na idinedeklara lamang ng NFA na bulok ang bigas pagkatapos ay isusubasta naman pala sa ilang paboritong rice traders.

Sa kwenta ng senadora, kung mabebenta ang 4 na milyong bag ng bigas sa P27 kada kilo ay kikita ang NFA ng mahigit P6 bilyon.

Dahil dito ay naiinis na sinabihan ni Villar ang NFA na ayusin ang trabaho nito dahil banas na anya ang mga tao sa ahensya.

Samantala, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na dapat agad tugunan ng gobyerno ang masamang epekto ng Rice Tariffication Law sa mga local farmers na mura o minsan ay palugi nang nagbebenta ng kanilang palay o bigas dahil sa pagdagsa ng imported rice.

Sa kanya namang panig ay ipinaliwanag ni Dansal na hindi pa ubos ang inangkat ng NFA na 1.25 milyong metriko toneladang imported na bigas noong Abril at nasa 290 metriko tonelada ang nananatili sa kanilang mga bodega.

 

TAGS: 4 na milyong bag, Bigas, bodega, imported rice, nfa, NFA administrator Judy Carol Dansal, palay, rice tariffication law, Senator Cynthia Villar, Senator Imee Marcos, Senator Risa Hontiveros, warehouse, 4 na milyong bag, Bigas, bodega, imported rice, nfa, NFA administrator Judy Carol Dansal, palay, rice tariffication law, Senator Cynthia Villar, Senator Imee Marcos, Senator Risa Hontiveros, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.