Alden Richards pinarangalan sa Drama Awards sa South Korea

By Len Montaño August 29, 2019 - 03:27 AM

Alden Richards FB

Tinanggap ni Alden Richards ang Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards.

Ayon sa aktor, espesyal ang parangal dahil nakuha niya ito kasabay ng 70 taong dimplomatikong ugnayan ng Pilipinas at South Korea.

Sa kanyang talumpati ay sinabi Alden na karangalan na tanggapin ang award at nagpapakumbaba at nagpapasalamat siya sa pagkilala sa kanya ng international drama scene.

Ang Asian Star prize ay isang non-competition category sa Seoul International Drama Awards na kumikilala sa galing ng produksyon ng mga television dramas sa buong mundo.

Ito na ang pangalawang international award ng aktor.

Noong 2017 ay nakakuha ito ng silver medal sa New York Festival para sa kanyang pagganap sa martial law drama ng GMA-7 na “Alaala.”

Pangatlo naman na si Alden sa mga Filipino actors na nanalo ng naturang award kasunod nina Gabby Concepcion at Dennis Trillo.

 

TAGS: Alaala, ALden Richards, international award, New York Festival, Seoul International Drama Awards, Star Prize Award, Alaala, ALden Richards, international award, New York Festival, Seoul International Drama Awards, Star Prize Award

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.