Ang one-way scheme ay panukala sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng grupo ng mg engineers sa ilalim ng GPI Engineers Inc.
Mungkahi ng grupo, gawing isang direksyon na lamang ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon sa mga inhenyero, maaaring gawing pa-southbound lamang ang kahabaan ng EDSA.
Iminungkahi rin ng grupo na ang C-5 Road naman ay gawin na lamang northbound.
Target sa panukala na bumilis ang average na biyahe ng mga sasakyan sa EDSA sa 40 kilometers per hour mula sa kasalukuyang 19 kilometers per hour.
Ayon naman sa MMDA, ipapaubaya nila sa Department of Transportation (DOTr) ang pagsuri sa naturang panukala.
MOST READ
LATEST STORIES