2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa Israel

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 01:30 AM

tel aviv, israel mapPatay ang dalawang katao habang hindi naman bababa sa tatlo ang nasugatan sa pamamaril ng isang gunman sa Tel Aviv, Israel.

Naganap ang pamamaril sa isang mataong bar sa nasabing siyudad hapon ng Biyernes, January 1, 2016.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang motibo ng pag-atake, at hindi pa rin nila alam kung ang umatake ba ay isang Palestinian.

Naganap ang pag-atake sa gitna ng halos araw-araw na pag-atake ng mga Palestinians sa mga Israelis, sibilyan man o sundalo.

Gumamit ng assault rifle ang shooter na 30 beses nagpaputok ayon sa Israeli Channel 10 TV na nagpakita ng CCTV footage kung saan namataan ang lalaki na kinuha ang kaniyang baril mula sa kaniyang backpack at pinaputukan ang mga nasa loob ng bar mula sa labas.

Ayon sa tagapagsalita ng pulis na si Luba Samri, lima ang nasugatan, at ang dalawa ay namatay na sa ospital.

Nagsasagawa na rin ng manhunt ang mga otoridad para mahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang ginawang krimen.

TAGS: 2 killed 3 hurt in israel shooting, 2 killed 3 hurt in israel shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.