Dalawang staff ni VP Binay, nakalabas na ng bansa

June 29, 2015 - 07:25 AM

trillanes-binay1
Inquirer.net file photo

Nakalabas na ng bansa ang dalawang staff ni Vice President Jejomar Binay na sabit sa mga isyu ng korapsyon na kinasasangkutan ng bise presidente.

Sa panayam sa Radyo Inquirer, sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na nakalabas na ng bansa sina Gerry Limlingan – dating finance officer ni Binay at si Eduviges “Ebeng” Baloloy na longtime secretary ni Binay.

Ang dalawa ay subject ng warrant of arrest na ipinalabas ng senado dahil sa hindi pagsipot sa isinasagawang mga pagdinig kaugnay sa umanoy overpriced Makati City Hall Building II.

Sinabi ni Trillanes na isang “insider” ang nagsabi sa kaniya na ang dalawa ay parehong nasa ibang bansa na.

Pero tiniyak ni Trillanes na patuloy na hahabulin ng Senado sina Limlingan at Baloloy, lalo na kapag naisampa na ang kaso sa Sandiganbayan.

“But we will make their world small. They will not be able to move around much, especially when cases will be filed against them in the Sandiganbayan and their passports are canceled. They will have a hard time going underground,” sinabi ni Trillanes.

Sina Limlingan at Baloloy ay kabilang din sa listahan ng mga pinakakasuhan ng plunder at graft batay sa partial report ng Senate Blue Ribbon Subcommittee.

Dagdag pa ni Trillanes, naisara na nina Limlingan at Baloloy ang kanilang mga bank accounts bago sila lumabas ng bansa.

Magkahiwalay aniya ang lugar na pinagtataguan ng dalawa at isinasailalim na sila sa surveillance.

Sa pagsisiyasat ng Anti-Money Laundering Council, si Binay at kaniyang mga aides ay mayroong cash at checking accounts na nagkakahalaga ng P810 million sa deposit accounts at P1.629 billion na investment funds./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: antonio trillanes, baloloy, limlingan, Radyo Inquirer, senate blue ribbon committee, antonio trillanes, baloloy, limlingan, Radyo Inquirer, senate blue ribbon committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.