Sorry ng may-ari ng Chinese fishing boat sa Recto Bank incident tinanggap ng Palasyo

By Chona Yu August 29, 2019 - 12:59 AM

Maluwag na tinanggap ng palasyo ng malakanyang ang sorry ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Filipinong mangingisda sa Recto Bank noong June 9.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, welcome sa Palasyo ang pagpapakumbaba ng may-ari ng Chinese vessel.

Patunay aniya ito na inaako ng may-ari ng Chinese vessel ang responsibilidad at pagkilala sa pangangailangang maibigay ang halaga ng pinsalang idinulot ng aksidente sa mga mangingisdang Pinoy.

Ginawa ng may-ari ng chinese vessel ang paghingi ng paumanhin kasabay ng muling pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa bilateral talks kay Chinese President Xi Jinping.

 

TAGS: China, Chinese President Xi Jinping, Chinese vessel, may-ari, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, Rodrigo Duterte, sorry, tinanggap, China, Chinese President Xi Jinping, Chinese vessel, may-ari, Presidential spokesman Salvador Panelo, Recto Bank, Rodrigo Duterte, sorry, tinanggap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.