#WalangPasok: Klase sa ilang eskwelahan sa Davao City suspendido ngayong Huwebes dahil sa baha

By Len Montaño August 29, 2019 - 12:33 AM

Suspendido ang klase sa ilang eskwelahan sa Davao City ngayong Huwebes, August 29 dahil sa pagbaha sa ilang barangay Miyerkules ng gabi.

Sa Proclamation No. 4 na pirmado ni Acting City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, nagdeklara ng class suspension ngayong araw sa sumusunod: Wangan Technical High School sa Calinan District; Balengaeng Elementary School sa Tugbok District; Leon Garcia Elementary School sa Talomo District at sa Talomo Central Elementary School sa Talomo District.

Wala ring pasok sa lahat ng iba pang pampubliko at pribadong paaralan sa Calinan, Tugbok at Talomo Districts na apektado ng baha.

Ayon sa lokal na pamahalaan, sakop lamang ng class suspension ang mga estudyante dahil ang mga guro ay kailangang pumasok para ihanda ang mga classrooms sa pagbabalik ng klase.

Ayon sa Pagasa, umiral ang localized thunderstorms sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao kabilang sa Davao City na nagdulot ng flashfloods sa ilang barangay sa lungsod.

 

TAGS: baha, barangay, Baste Duterte, class suspension, Davao City, flashfloods, klase, localized thunderstorms, Proclamation No. 4, suspendido, walangpasok, baha, barangay, Baste Duterte, class suspension, Davao City, flashfloods, klase, localized thunderstorms, Proclamation No. 4, suspendido, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.