Ilang barangay sa Davao City binaha dahil sa Habagat
Binaha ang ilang bahagi ng bansa partikular sa Davao City, Mindanao dahil sa pag-uulang dulot ng Habagat.
Dahil nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jenny Miyerkules ng hapon, ang Habagat ang patuloy na nagpapa-ulan sa bansa.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang Bagyong Jenny sa layong 430 kilometers west ng Dagupan, Pangasinan bandang alas 2:00 ng hapon.
Wala namang inaasahang papasok na panibagong bagyo sa susunod na 2 hanggang 3 araw sa bansa.
Naiulat ang malakas na pag-uulan sa Davao City na nagresulta sa pagbaha sa barangays Talomo, Matina, Aplaya, Matina Crossing, Matina Pangi, Tugbok at Los Amigos Area.
Dahil dito ay nagpatupad ng forced evacuation sa naturang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.