90% ng mga bangketa, kalsada nabawi na ng Taguig LGU

By Jan Escosio August 28, 2019 - 11:01 PM

Sampung porsiyento na lang ng mga kalsada at bangketa sa lungsod ng Taguig ang hindi pa nababawi ng pamahalaang-lungsod.

Sinabi ni Taguig Mayor Lino Cayetano na naging masigasig lang sila na sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga sagabal sa mga kalye at bangketa.

Aniya, binigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) ng 60 araw para bawiin ang mga pampublikong espasyo na ginagamit sa pansariling interes.

Dagdag pa ng opisyal, taon 2010 pa nang simulan ang clearing operations sa lungsod at pinaigting lang nila ang kampaniya matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo noong Hulyo.

Ipinatutupad na ang Taguig Vehicle, Pedestrian and Mobility Plan na kasama sa 10-point agenda ni Cayetano para gawing mas ligtas ang lungsod.

Nabanggit pa ng alkalde na nagbukas na sila ng Mabuhay Lanes at maaari pa itong madagdagan bukod pa sa regular na pagsasagawa ng seminar sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan para sa disiplina sa kalsada.

 

TAGS: 10 percent, 10-point agenda, 90 percent, bangketa, clearing operation, DILG, kalsada, local government unit, Mabuhay lanes, Mayor Lino Cayetano, nabawi, Pedestrian and Mobility Plan, SONA, Taguig LGU, Taguig Vehicle, 10 percent, 10-point agenda, 90 percent, bangketa, clearing operation, DILG, kalsada, local government unit, Mabuhay lanes, Mayor Lino Cayetano, nabawi, Pedestrian and Mobility Plan, SONA, Taguig LGU, Taguig Vehicle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.