Napatay na ASG sa Sulu noong 2015, umabot sa 133 – AFP

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 01:02 AM

abu-sayyaf (1)Sa kabuuan, mayroong 133 na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang 164 ang nasugatan ng mga pwersa ng gobyerno sa mga operasyon sa Sulu sa taong 2015.

Batay ito sa datos ng Joint Task Group (JTG) Sulu, na siya ring nagsabi na sa 133 na sinasabing napatay, 12 katawan lamang ang narekober.

Ayon sa source ng Inquirer na opisyal ng Army, ito ay dahil sa naniniwala ang mga ASG na bawal o masamang iwan ang kanilang mga kasamahan, buhay man o patay.

Kaya mas makabubuti aniya na habang nasa kasagsagan pa ng sagupaan, irekober na ng mga militar ang mga napatay.

Naniniwala ang commander ng JTG-Sulu na si Brig. Gen. Alan Arrojado na ito ay resulta ng ibinabang utos sa kanila tungkol sa walang tigil na mga operasyon sa Sulu upang masupil ang mga rebelde.

Ngunit, marami man silang napatumbang kalaban sa buong 2015, nalagasan din ng 18 ang tropa ng pamahalaan at nasugatan ang 82 iba pa dahil rin sa mga nasabing operasyon sa buong taon.

Kilala ang Sulu na kuta ng Abu Sayyaf kung saan base sa talaan ng militar ay umaabot sa 264 ang kanilang mga kasapi doon, at hindi pa kasama sa bilang ang kanilang mga taga-suporta, pamilya at taga-sunod.

TAGS: abu sayyaf killed in 2015, abu sayyaf killed in 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.