Batay sa ulat ng Naga City police, isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Cararayan bandang alas 5:00 ng madaling araw.
Napatay ang suspek na si Marlon Gonzaga matapos umanong makipagbarilan sa mga otoridad kahit ayon sa pulisya, hindi ito ang target sa operasyon.
Sinabi ng pulisya na naaresto pa rin naman ang target na may-ari ng bahay na sinalakay ng mga otoridad.
Nakuha sa suspek ang ilegal na droga na ibinenta sa operasyon na nagkakahalaga ng P20,000.
Maliban dito, nasamsam din ang dalawang plastic ng kontrabando na nagkakahalaga naman ng mahigit P1 milyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.